Alam kong may rason kung bakit ako naririto, pero ano nga ba ang rason na yun?
Ano pang dahilan ng pagkabuhay ko kung sa huli mamamatay rin lang naman?
Bakit kapag may pasok, tinatamad akong pumasok? Pero kapag walang pasok, gusto kong pumasok?
Gusto ko makakita ng serena at alien, pero saan ko kaya sila matatagpuan? Totoo nga bang merong sila?
Bakit kapag mainit nagrereklamo na sana malamig. Pero kapag malamig nagrereklamo na sana mainit, bakit ganun?
Bakit laging gusto kong kumain pero ayaw ko namang tumaba?
Bakit itong katawan ko, ang daling magpataba pero ang hirap magpapayat?
Bakit ang daling magpakasama pero ang hirap magpakabait? Nakuha mo ba? Kung hindi, sige kunwari nalang nakuha mo.
Bakit may mga taong anak nang anak tapos kapag naghihirap na sila sa gobyerno isinisisi ang kahirapan nila?
Bakit may mga atheist na pa-cool? Hindi ibig sabihin na dahil hindi mo nakikita si God, hindi ka na maniniwala. Sa parehong paraan na hindi ibig sabihin na dahil hindi mo nakikita ang hangin, hindi ka na hihinga. Ang mga taong atheist ba, kapag mamamatay na ang taong minamahal nila sa buhay, hindi nasagi ang Diyos sa isip nila?
Bakit hindi ko nakikita si Papa J? Nakikita nya kaya tayong lahat? Natutulog ba sya? Kung hindi, malaki na kaya ang eyebags nya?
Bakit kailangan pang pumasok sa isang relasyon kung sa huli matatapos rin lang naman, tapos yung iba nakakalimot agad?
Bakit may ibang tao na gumagawa ng pangako tapos hindi naman tinutupad?
Bakit may mga taong paasa?
Bakit may ibang taong parang hindi na ata natututo sa mga pagkakamali nila?
Bakit may mga sitwasyong napakabilis lang naman ng pag-ibig, pero napakatagal ng paglimot?
Bakit ang bait ng Panginoon? Pandesal lang ang hinihingi ko pero burger ang ibinigay nya sa’kin, may kasama pang drinks.
Bakit kailangan pang mag-aral kung sa huli mamamatay rin lang naman? Sa gates of heaven ba, may entrance exam?
Bakit puro pangit ang nadidinig at nakikita ko sa balita sa TFC? Bakit parang yung pagshooshooting lang sa palabas na Bourne Legacy ang maganda-ganda na balita sa Pilipinas? Bakit ganun?
Bakit kailangan pang sumikat kung malalaos rin lang naman?
Namimiss ko siya. Lagi ko syang naiisip. Sya kaya, ganun din sa’kin?
Sa tingin mo, makakabangon pa kaya sa kahirapan ang Pilipinas?
Bakit may mga taong parang Lecheflan? Minsan sweet, pero minsan din Leche.
Bakit may mga taong kung sino pang pangit, sila pa yung lintek kung makapanlait?
Ano kaya ang buhay ko after 10 years?
Totoo kaya na sa December 21, 2012 magugunaw ang mundo? Kung totoo nga, pa’no nalang?
Bakit may mga taong kailangan pang umalis, kung may malulungkot lang rin naman?
Bakit may mga walang kwentang tanong tulad nito?
Ano pa’t nagsusulat ako kung sasabihan ko lang rin naman ng walang kwenta ang mga ito?
Bakit nalulungkot ako ngayon? Bakit ganun… bakit ganun?
Kapag nahihiga ako sa kama’t matutulala sa kisame, minsan maiisip ko. Sa lahat ba talaga, sa bawat katanungan ba merong dahilan?

Nakakarelate ako dun sa ‘Bakit kung sino pang panget, siya pa yung malakas manlait’. Lol.
“Namimiss ko siya. Lagi ko syang naiisip. Sya kaya, ganun din sa’kin?”
“Bakit may mga taong parang Lecheflan? Minsan sweet, pero minsan din Leche.”
Sapul.
Dahil ang tanging permanenteng bagay lang sa mundo ay ang pagbabago..
Bakit kapag sa bakit nagsimula ang tanong, mas mahirap sagutin kesa sa mga nagsisimula sa ano?
Dahil nag-iisip ka kaya ka laging may tanong.
Dahil nag-iisip ka may sagot na malinaw, at merong sagot na malabo.